Saturday, February 27, 2010
Thursday, February 25, 2010
Tuesday, February 23, 2010
Hindi lang siya!
Ito si Ate Joy ang mabait at masipag nating OMNI, isa s'ya sa mga nagpapanatili ng kalinisan sa ating paaralan. Ngunit, hindi lamang siya ang may responsiblidad na gawin iyon kundi IKAW na mag-aaral ng BNAHS at ako na guro. Ang ibig sabihin, hindi lamang siya ang may tungkuling pangalagaan ang PAARALAN kundi LAHAT TAYO! Maging responsableng mag-aaral sitain ang mga nagtatapon ng basura sa labas at loob ng classroom, damputin ang nakikitang kalat at isumbong sa principal kung ayaw sumunod.
Simulan mo na!
Ako'y nagagalak sa mga ipinakita n'yong pagmamalasakit sa ating kapaligiran. Salamat at naunawaan n'yo ang kahalagahan nito sa buhay natin at ang magiging epekto sa pangkalahatan. Sana'y 'wag lang tayo puro salita, ipakita natin ang sincerity sa pagtulong at suporta dito, simulan mo sa loob ng classroom n'yo at sa sarili nyong pamamahay. 'Yon ang tunay na nagmamalasakit.
Mam Bautista
Mam Bautista
Monday, February 22, 2010
Ang Munting Tahanan
Ito si ate mula sa probinsya, pumunta ng Manila sa pag-aakalang mapaganda ang buhay. Natrabaho bilang katulong at nag-asawa ng pedicab driver walang tirahan at makain, okay na kahit saan maabutan ng ulan. Isinisisi ang kahirapan sa pamahalaan ngunit ang tanong, sino ang higit na may kasalanan kung bakit ka siya nagkakaganyan? talaga bang ang pamahalaan?
Ito naman si ate ang bahay ay sirang van, pinagkasya ang pamilya makaahon lamang. Ang nagsisilbing palikuran ang katabing dagat. Ilang buhay pa ang mayroon nito sa Manila? Ito ba ay tanda ng kahirapan o katamaran?
handa ka na ba sa posibleng mangyari???
Nitong January 31,2010 sa bulungan, Paranaque. Ang mga tao ay hindi naalarma sa kinahihinatnan ng ating likas na yaman, lalo na ang ating katubigan. Ang katubigan natin ang ating pinagkukunan natin ng ating pangangailangan sa pang araw-araw, at ng ating iniinom. Alam ba natin kung ano ang nagiging epekto nito sa ating katubigan???
Sa ating kaalaman ano ba ang Polution, Koruption, over population, ano ba ang epekto nito, at ano ang mga posibleng mangyari??? Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa ibang pakahulugan, kadumihan ng kaisipan. Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon ng hangin at polusyon ng tubig. Ang koruption naman ay ang pagsasamantala ng mga nasa katunkulan, eh ang over population naman ay ang pagdami ng tao at ang pagdami ng volume ng basura at kakulangan ng espasyo ng tirahan, ang epekto nito ay malaki sapagkat hindi natin isinasaayos ang ating sarili sa pamamagitan ng hindi paggamit ng plastic at sapat na kaalaman sa pagbuo ng pamilya. Ang ug nayan ng tatlong ito ay malaki satin sapagkat hindi natin alam na ang mga ito ay ang nagpapalala ng pagbabago sa ating pang araw-araw na Gawain.

Epekto ng Basura: NAKAGIGIMBAL
Epekto ng Basura:
NAKAGIGIMBAL
Ang mga basura ay nagpapaalala lang sa atin na dapat tayo ay dapat na umaksyon sa nag hihingalong mundo natin!!!! ‘yan ang epekto ng hindi disiplinadong mamayan ng nagpapalala ng sitwasyon natin, Tulad lamang nung bumagyo syempre bumaha, tapos ang lahat ng basura ay aanurin. Ang mga inanod na mga basura halos plastic na mahirap matunaw na aabutin pa ng 1,000 taon bago matunaw, at ito ay pumupunta sa mga dalampasigan o di kaya sa mga estero, mga dagat at iba pang mga katubigan. Ang basura ang nagdudulot ng malawakang polusyon sa tubig na kumikitil sa mga isda at iba pang akwatikong nilalang.

Sunday, February 21, 2010
Enerhiya Mula sa Basura
Dapat nating malaman na ang basura ay hindi lang nagtatapos sa basurahan bagkos ito ay maaari ring mapagkukunan ng alternatibong suplay ng enerhiya. Ang basura ay isa sa mga bagay na naglalabas ng methane gas na pagdumaan sa proseso ito at magiging elektrisidad. Nariyan ang Payatas Controlled Area na pinamumunuan ni Col. Jaemil Haemalin, Head of Payatas Operation Group na nagsusuplay ng enerhiya sa mga kabahayan sa paligod nito mula sa plantang Pangea Green Energy sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Joy Gonzales. Salamat sa gabay ni Ms. Alma Ferareza ng DENR sa pagkakataong ibinigay sa amin upang aming matunghayan ang kahalahagan ng tamang pamamahala basura upang lubos na kapakipakinang at makakatulong sa kalikasan.
ISA KAMI: ANG KULISAP
Sa paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang nagaganap sa ating kapaligiran. Sa pagakakaroon ng pagbabago sa kalikasan,sa mga gusali at sa mga tao, lubos na naapektuhan ang ating Inang Kalikasan. Nagiging benepisyo man ito sa atin hindi naman natin namamalayan ang sakit na dulot nito sa ating Inang Kalikasan. Sadya man o hindi, kailangan natin tanggapin na tayong lahat na tao, na dapat sana’y siyang nag-aalaga sa gawa ng Maykapal ay siya ring unti-unitng umuubos, sumisira at pumapatay rito.
Nito lang ay isinama kami ng aming guro sa Araling Panlipunan sa Maynila upang magdokumentaryo kasama ang iba pa naming kamg-aral tungkol sa mga masasaklap na nangyayari sa ating mga ilog. Isa na nga rito ang Ilog Pasig.
Sa aming pagdating sa Ilog Pasig, isang masangsang na amoy ang sumalubong sa amin. Hindi nito maikakaila na ang ilog hanggang ngayon ay puno pa rin ng mga basura na hindi man Makita sa ibabaw ay tambak-tambak naman sa kailaliman nito. Sa gilid ng ilog, isang pamilya an gaming nakakuwentuhan. Wala mang bahay, nagsisilbi pa ring tahanan sa kanila ang ilog na iyon. Sa Ilog Pasig, doon sila naghuhugas, nangingisda,kumakain at doon nila ginagawa ang mga gawain dapat sana’y sa loob ng bahay ginagawa.
Sunod naman ay pinuntahan namin ang Bulungan, Paranaque. Dito namin unang nasilayan ang hitsura ng isang patay na dagat. Marumi, gaya ng Ilog Pasig, marami ring basura. Ang tubig ay gumagalaw lamang kapag hinahangin. Ngunit ang totoo, ito ay walang daloy, ang tubig ay walang patutunguhan. Gayon rin kaya ang buhay ng mga nakatira dito?
Pinasok naming ang kanilang palengke. Wala pang bentahan ng mga oras na iyon. Pahinga yata nila. Isang batang lalaki ang nakausap namin. Jomar ang pakilala niya. Nagtratrabaho raw siya sa lugar na iyon, huminto sa pag-aaral dahil na rin sa hirap ng buhay at para kumita ng pera. Linyang madalas naming nababasa sa dyaryo at naririnig sa mga komersyal na ngayon ay sa harap na mismi ng dose-anyos na bata namin narinig. Doon naming napagtanto ang pagiging maswerte naming sa buhay. Gayon pa man, nakakahiyang aminin ngunit kami pa rin ay isang taga-sira ng Inang Kalikasan.
Isang nagkukwentong mangingisda naman an gaming pinakinggan. Sardeno Labitao ang kanyang pangalan. Bagsakan lamang raw ang palengkeng iyon na akala nami’y ang mga lamang dagat na ibinibenta nila ay galing sa patay na dagat sa tabi nito. Pero tama kami, nakakagulat na may mga isda pa rin palang nabubuhay doon.
Sumakay kami sa isang bangka, nais sana naming makita kung may mga taong nakatura sa malagubat na kakahuyan sa gitna ng patay na dagat. Tinatawag nila itong Freedom Island. Sabi ni Manong Serdeno, may anim na purok raw sa island na iyon. Siya pa nga raw ay nabibilang sa purok tres. Pagdating ng bangkang aming sinakyan sa baybayin ng ilog na iyon, isang sandamakmak na basura ang tumambad sa amin. Sa katunayan, huli na ng maisip naming baybayin pala iyon. Inikot kami ni Kuya Adolfo sa island. Siya ang nagsilbing tour guide namin. Imbis na mga tao sa gitna ng island ang makita namin, walang katapusan na basura ang siya lamang kinahantungan namin.
Masaya kami. Masaya kami dahil namulat kami sa mga nangyayri kay Inang Kalikasan at sa mga taong damay rito. Ngunit halo-halong negatibong reaksyon ang pilit kumawala sa aming damdamin. Hindi naming alam kung sino and dapat sisihi sa ganitong kalagayan, ang mga tao ba sa paligid nila o ang pamahalaan? Basta, isa lang ang malinaw sa amin, isa kami sa bilyon-bilyong tao na sumisira sa Inang Kalikasan at isa rin kami sa mga taong gagawa at gagawa ng paraan para ipamulat rin sa ibang tao ang mga realidad na ito. Ang ilang pirasong papel na ito ay galing sa isang puno, kaya’t sana’y isapuso at isaispi nating lahat ang mga benepisyong ibinibigay ng libre ng Inang Kalikasan. Nawa’y wag nating hayaan tuluyan siyang maubos at maglaho sa isang iglap.

Subscribe to:
Posts (Atom)