"Ganito Kami Sa BNAHS"


>> Ibig Sabihin na ang Benigno Ninoy S. Aquino High School ay concern sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.

>> Ang blog na ito ay nagsisilbing forum ng mga mag-aaral ng BNAHS pati na rin ng mga tao sa paligid tungkol sa mga saloobin nila at mga pahayag na nais iparating.

>> Ang blog na ito ang sumasalamin sa mga kaganapan ngayong na nagaganap, hindi lamang sa ating bansa ngunit sa buong mundo dahil hindi lang naman sa Pilipinas ang mayroong basura at ganitong problema.

>> Ang blog na ito ang gumaganap na journal ng mga tao dahil sa nakakapag usap sila kung ano ang maaari nilang maitulong sa kabila ng mga kahirapan at problemang dinaranas ng ating kalikasan.

"SANA PO AY SUBAYBAYAN AT SUPORTAHAN NIYO ANG BLOG NA ITO"

Ano ang maaari mong maibahagi bilang mamayang PILIPINO?

Sunday, February 21, 2010

Enerhiya Mula sa Basura

Dapat nating malaman na ang basura ay hindi lang nagtatapos sa basurahan bagkos ito ay maaari ring mapagkukunan ng alternatibong suplay ng enerhiya. Ang basura ay isa sa mga bagay na naglalabas ng methane gas na pagdumaan sa proseso ito at magiging elektrisidad. Nariyan ang Payatas Controlled Area na pinamumunuan ni Col. Jaemil Haemalin, Head of Payatas Operation Group na nagsusuplay ng enerhiya sa mga kabahayan sa paligod nito mula sa plantang Pangea Green Energy sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Joy Gonzales. Salamat sa gabay ni Ms. Alma Ferareza ng DENR sa pagkakataong ibinigay sa amin upang aming matunghayan ang kahalahagan ng tamang pamamahala basura upang lubos na kapakipakinang at makakatulong sa kalikasan.

5 comments:

  1. hindi na bago sa ating mga pilipino ang ganitong kaparaanan sapagkat ang pilipino ay likas na malikhain upang gumawa ng iba't ibang paraan upang masugpo ang pollution. isa na rito ay ang pagkuha ng enerhiya ng basura(katas) upang hindi maging sagabal at upang mabawasan na rin ang ating basura. ang methane lang naman ng basura ang ng papalaki dito eh, kung kukunin ntin ang methane na yun ito ay magiging enerhiya.

    ReplyDelete
  2. Kailngan iimprove p ang paggamit nyan pra s susunod gnyan n lng .. mas mkakatipid at mba2wasan ang basura .. ;)

    ReplyDelete
  3. MANILA - Hindi na lang pera ang makukuha ngayon sa basura, pati na enerhiya.

    Itinayo sa lalawigan ng Rizal ang kauna-unahang landfill-gas-to-energy Clean Development Mechanism (CDM) project sa Pilipinas at itinuturing pang-apat na pinakamalaki sa mundo.

    Sa simula dalawang megawatts ng enerhiya ang kayang ibigay ng methane power plant na pinamamahalaan ng Montalban Methane Power Corporation sa Rodriguez, Rizal.

    Ngunit sa sandaling nakumpleto ang mga kailangan sa operasyon nito, kayang lumikha ng methane plant ng hanggang 15 megawatts ng enerhiya mula sa mga nabubulok na basura. Kaya nitong magpailaw sa mahigit 15,000 tahanan.

    Tinatayang 1,500 metriko tonelada ng basura na itatambak sa landfill bawat araw ang kailangan upang mapanatili ang operasyon ng planta. At kung maaabot nito ang 2,500 metriko tonelada ng basura, kaya nitong tumagal ang operasyon ng planta hanggang 10 taon.

    Kung dati ay inaayawan ng Montalban ang basura ng galing sa Metro Manila, ngayon ay nag-alok pa sila ng hanggang 40 porsyentong diskwento upang doon na lamang itapon ang mga basura.

    Ngunit kailangang hindi bababa sa 2,500 metriko tonelada ng basura ang itatapon sa 14-hektaryang landfill upang makuha ang 40 percent na discount.

    Ayon kay Engineer Jewel Palomique, manager ng planta, malaking tulong ang methane plant na pagkukunan ng alternatibong eherhiya bunga na rin ng tumataas na presyo ng langis at singil sa kuryente.

    Bukod dito, ang methane plant ay makatutulong upang maiwasan ang krisis sa paghahanap ng pagtatapunan ng basura ng mga residente sa Metro Manila.

    ReplyDelete
  4. saan muh n nman n copy paste yan gubatan??

    galing ahh,,

    akala ko ba sariling saloobin to?

    at pananaw..

    ReplyDelete
  5. tama puh yun MAAM,,

    enerhiya mula sa basura..

    pati rin po ang dumi ng hayop..

    SHARE KUH LNG PUH*

    base sa aking nalalaman..ang proces ng pagkuha ng methane gas mula sa dumi n hayop ay ganito..
    UNA sa piggery o sa kulungan ng kahit anong hayop.. kinokolekta ang mga dumi at inilalagay sa isang CHEMICAL RESISTANT cylinder tank..

    PANGALAWA.. PAPASingawin ito sa cylinder tank hanggang maglabas ng natural na methane gas na dadaan sa gas pipe patungo sa fuel regulator upang mgamit sa mgapagluluto o mga gawain n ginagamitan ng apoy,,

    hindi po ba napakapakipakinabang nito??

    ReplyDelete