"Ganito Kami Sa BNAHS"


>> Ibig Sabihin na ang Benigno Ninoy S. Aquino High School ay concern sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.

>> Ang blog na ito ay nagsisilbing forum ng mga mag-aaral ng BNAHS pati na rin ng mga tao sa paligid tungkol sa mga saloobin nila at mga pahayag na nais iparating.

>> Ang blog na ito ang sumasalamin sa mga kaganapan ngayong na nagaganap, hindi lamang sa ating bansa ngunit sa buong mundo dahil hindi lang naman sa Pilipinas ang mayroong basura at ganitong problema.

>> Ang blog na ito ang gumaganap na journal ng mga tao dahil sa nakakapag usap sila kung ano ang maaari nilang maitulong sa kabila ng mga kahirapan at problemang dinaranas ng ating kalikasan.

"SANA PO AY SUBAYBAYAN AT SUPORTAHAN NIYO ANG BLOG NA ITO"

Ano ang maaari mong maibahagi bilang mamayang PILIPINO?

Sunday, February 21, 2010

ISA KAMI: ANG KULISAP

Sa paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang nagaganap sa ating kapaligiran. Sa pagakakaroon ng pagbabago sa kalikasan,sa mga gusali at sa mga tao, lubos na naapektuhan ang ating Inang Kalikasan. Nagiging benepisyo man ito sa atin hindi naman natin namamalayan ang sakit na dulot nito sa ating Inang Kalikasan. Sadya man o hindi, kailangan natin tanggapin na tayong lahat na tao, na dapat sana’y siyang nag-aalaga sa gawa ng Maykapal ay siya ring unti-unitng umuubos, sumisira at pumapatay rito.
Nito lang ay isinama kami ng aming guro sa Araling Panlipunan sa Maynila upang magdokumentaryo kasama ang iba pa naming kamg-aral tungkol sa mga masasaklap na nangyayari sa ating mga ilog. Isa na nga rito ang Ilog Pasig.
Sa aming pagdating sa Ilog Pasig, isang masangsang na amoy ang sumalubong sa amin. Hindi nito maikakaila na ang ilog hanggang ngayon ay puno pa rin ng mga basura na hindi man Makita sa ibabaw ay tambak-tambak naman sa kailaliman nito. Sa gilid ng ilog, isang pamilya an gaming nakakuwentuhan. Wala mang bahay, nagsisilbi pa ring tahanan sa kanila ang ilog na iyon. Sa Ilog Pasig, doon sila naghuhugas, nangingisda,kumakain at doon nila ginagawa ang mga gawain dapat sana’y sa loob ng bahay ginagawa.
Sunod naman ay pinuntahan namin ang Bulungan, Paranaque. Dito namin unang nasilayan ang hitsura ng isang patay na dagat. Marumi, gaya ng Ilog Pasig, marami ring basura. Ang tubig ay gumagalaw lamang kapag hinahangin. Ngunit ang totoo, ito ay walang daloy, ang tubig ay walang patutunguhan. Gayon rin kaya ang buhay ng mga nakatira dito?
Pinasok naming ang kanilang palengke. Wala pang bentahan ng mga oras na iyon. Pahinga yata nila. Isang batang lalaki ang nakausap namin. Jomar ang pakilala niya. Nagtratrabaho raw siya sa lugar na iyon, huminto sa pag-aaral dahil na rin sa hirap ng buhay at para kumita ng pera. Linyang madalas naming nababasa sa dyaryo at naririnig sa mga komersyal na ngayon ay sa harap na mismi ng dose-anyos na bata namin narinig. Doon naming napagtanto ang pagiging maswerte naming sa buhay. Gayon pa man, nakakahiyang aminin ngunit kami pa rin ay isang taga-sira ng Inang Kalikasan.
Isang nagkukwentong mangingisda naman an gaming pinakinggan. Sardeno Labitao ang kanyang pangalan. Bagsakan lamang raw ang palengkeng iyon na akala nami’y ang mga lamang dagat na ibinibenta nila ay galing sa patay na dagat sa tabi nito. Pero tama kami, nakakagulat na may mga isda pa rin palang nabubuhay doon.
Sumakay kami sa isang bangka, nais sana naming makita kung may mga taong nakatura sa malagubat na kakahuyan sa gitna ng patay na dagat. Tinatawag nila itong Freedom Island. Sabi ni Manong Serdeno, may anim na purok raw sa island na iyon. Siya pa nga raw ay nabibilang sa purok tres. Pagdating ng bangkang aming sinakyan sa baybayin ng ilog na iyon, isang sandamakmak na basura ang tumambad sa amin. Sa katunayan, huli na ng maisip naming baybayin pala iyon. Inikot kami ni Kuya Adolfo sa island. Siya ang nagsilbing tour guide namin. Imbis na mga tao sa gitna ng island ang makita namin, walang katapusan na basura ang siya lamang kinahantungan namin.
Masaya kami. Masaya kami dahil namulat kami sa mga nangyayri kay Inang Kalikasan at sa mga taong damay rito. Ngunit halo-halong negatibong reaksyon ang pilit kumawala sa aming damdamin. Hindi naming alam kung sino and dapat sisihi sa ganitong kalagayan, ang mga tao ba sa paligid nila o ang pamahalaan? Basta, isa lang ang malinaw sa amin, isa kami sa bilyon-bilyong tao na sumisira sa Inang Kalikasan at isa rin kami sa mga taong gagawa at gagawa ng paraan para ipamulat rin sa ibang tao ang mga realidad na ito. Ang ilang pirasong papel na ito ay galing sa isang puno, kaya’t sana’y isapuso at isaispi nating lahat ang mga benepisyong ibinibigay ng libre ng Inang Kalikasan. Nawa’y wag nating hayaan tuluyan siyang maubos at maglaho sa isang iglap.

4 comments:

  1. Kwento at
    Usaping
    pangLIpunan
    Sa tulong ng
    Aralin
    Panlipunan
    ay isang pahayagan na tumutulong sa pagmulat sa mga mamamayan ng bansang ito sa pagsagip ng inang kalikasan

    ReplyDelete
  2. wag nating sabihin
    gawin natin
    para rin ito sa atin
    kaya nga tau bumubuo ng
    ganito kami sa bnahs at para na rin sa makti

    ReplyDelete
  3. lhat tayo
    pwedeng mka2long

    lhat tayo
    may ka2yahan

    Gawin rin ntin !

    ReplyDelete
  4. sa nga eh mkipagtulungan
    lhat ng tao at para
    maisaayos ang mundo at si
    inang mundo^^^^

    ReplyDelete